Sa palabas at love stories na lang ata ako kinikilig ngayon. Nakakamiss! Hahaha. Pati ata magkacrush di ko na rin alam. Anyareee. Yung mga “kiligmuch“ kapag inaasar ka ng mga kaibigan mo sa crush mo. Pero sa totoo lang, ibang-iba yung kilig ko kapag nalaman kong yung matagal na magkarelasyon e ikakasal na :))) Basta kinakasal, kilig na kilig ako wahahaha. At the same time, umiiyak rin ako. Abnormal. Nung napanood ko yung “The One“ ng Jamich, naiyak ako, eh kasi naman ang lungkot ng ending. Affected much tlaga hahaha. Tapos pinanood ko rin yung kasal nila Oyo Boy - Kristine, Papa Jack - Toni, Carmina - Zoren tsaka Kyla - Rich. OKAY, TODO IYAK AKO EH. Ambabaw ko ba talaga o talagang natutuwa lang ako. Pag nakasal kasi, nandoon na talaga yung totoong pagmamahal eh. Magkasama niyong haharapin ang problema hanggang tumanda kayo, magkakaanak, mas makikilala pa ang isa‘t-isa, mas magiging matatag, SWEET XD

Pag kasal ko gusto ko yung tugtog habang naglalakad ako sa altar, Forevermore - Side A tapos yung kulay ng bulaklak, blue & white. Basta yung theme blue & white XD Tapos lahat iimbitahin ko hahaha. Dadamihan yung pagkain XD Pagkatapos ng kasal, wala pang uwian, magsiswimming muna ang lahaat XDD Etc. Basta ang dami ko ng naiisip pag kasal ko na wahahahahahahaha. Sa ngayon nasa imagination ko munang lahat yon. After 10 years, reality na lahat! YEHEYYY! :)))))

NANGARAP HAHAHAHAHAHHA.

  • Boy: Mahal kita.
  • Girl: Ayos lang.

Kaya ayaw kitang iblog kasi nagiging emosyonal ako lagi eh. Yung mga gustong-gusto kong sabihin sayo hanggang isip na lang lagi. Mas maganda na yung sa sarili ko na lang. Okay na rin siguro yon. Nagtatype pa lang ako, umiiyak na ko. Ang babaw ng luha ko noh? HAHAHA. Basta salamat. Salamaaaat! Hindi talaga kita makakimutan. =)))))

Ngayon na lang kita ulit mabablog. Hahahaha. Wala lang naman, naisipan ko lang.

Hindi ko talaga alam sasabihin ko eh. Speechless lang lagi. Hahaha. Nakakahiya tuloy. Hindi nga tayo makapag-usap ng matino eh. More on asaran at barahan. Kung may matino man, bilang lang. Hahahaha.

Sorry kung wala kong kwentang kausap. Hahahaha. Lumilipad lagi isipan ko. Boring ko eh. Hahaha. Tpos di rin ako mahilig magreact sa mga sinasabi. Kasi minsan, wala naman talaga akong pake. Hahahaha. Ewan. Ingat ka na lang lagi ÜÜ

So, ang non-sense ko na naman. Ayoko na nga. Hahahaha. Itutulog ko na lang ‘to.

Ngayon na lang kita ulit mabablog. Hahahaha. Wala lang naman, naisipan ko lang.

Hindi ko talaga alam sasabihin ko eh. Speechless lang lagi. Hahaha. Nakakahiya tuloy. Hindi nga tayo makapag-usap ng matino eh. More on asaran at barahan. Kung may matino man, bilang lang. Hahahaha.

Sorry kung wala kong kwentang kausap. Hahahaha. Lumilipad lagi isipan ko. Boring ko eh. Hahaha. Tpos di rin ako mahilig magreact sa mga sinasabi. Kasi minsan, wala naman talaga akong pake. Hahahaha. Ewan. Ingat ka na lang lagi ÜÜ

So, ang non-sense ko na naman. Ayoko na nga. Hahahaha. Itutulog ko na lang ‘to.

Yung kahit anong mangyari, nandyan pa rin siya para sa‘yo. Nagbago ka na, hindi ka pa rin iniwanan. Kahit nahihirapan na, kakayanin niya pa rin kasi mahal ka niya. Nag-iinsist na magstay kahit tinataboy mo na. Magmukhang tanga, basta mapasaya ka lang. Ilang beses mo ng nasaktan, mahal na mahal ka pa rin. Yung tanggap ka kung ano ka.

Sila yung mga taong kadalasang mas nasasaktan. Dapat pinapahalagahan sila kasi bibihira na lang yung mga taong ganyan. Ang swerte mo kung may taong kagaya nila sa buhay mo. H‘wag mo silang itetake for granted. Ang daming iba dyan na naghahangad sa kanila tapos ikaw di mo pinapahalagahan. Gumising ka oy. Baka sa huli, mawala sila sayo tapos iiyak-iyak ka.

Hindi talaga maiiwasan yung makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao. Hindi mo man gustong mangyari, tatanggapin na lang.


Nalulungkot pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi naman ako yung nasaktan pero ako yung nakasakit. Lalo na’t kaibigan ko yun e. Hindi ko sinasadya, sorry. Ayoko naman talagang makasakit e, anong magagawa ko? Nangyari na e. 

Dama ko kung paano siya nagreact sa mga nangyari, nandoon yung pagpapanggap. Ayoko nung may nasasaktang tao tapos ako nagpapakasaya. Magiging manhid ba ko o minsan, kailangan ko ring piliin ang sarili ko kung saan magiging masaya ako? Hirap ha? HAHAHAHAHA. May tamang oras, hintay lang. Mag-aral muna :D

Okey, gusto ko lang ilabas para maging maayos yung pagtulog ko. Kasama ‘to sa paglaki kaya makakayanan ko ‘to =)) May dahilan lahat kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Nasa tao lang yan kung paano niya dadalhin at kung itetake niya ba as positive or negative thing sa buhay niya.

Lord, kayo na po ang bahala. Maraming salamat po.

Ano nga ba ang pag-ibig?
Maraming nagtatanong at madalas inihahambing ang pag ibig sa kahit anong bagay sa mundo. Minsan ang pag-ibig parang..

Joke. Minsan pilit.

Tubig. Mahalaga pero naaaksaya.

School. Pinag-aaralan, pinag-uukulan ng panahon, pinagkakagastusan at siniseryoso.

Math. Dun ako mahina. 

Science. Maraming dapat patunayan.

P.E. Minsan nakakapagod. Minsan boring. Minsan papawisan ka. Madalas, naglalaro ka lang talaga.

Plastic cover. Transparent.

Bible. Maraming Lesson.

Ipis na tinapakan. Akala mo patay na, yun pala buhay pa.

Tsinelas. Makakapaglakad ka ba ng ayos kapag wala ang isa?

Damit. Hindi lang basta bagay sayo, dapat komportable ka din.

Washing machine. Paikot-ikot lang.

Global warming.Hindi mo mamamalayang nararamdaman mo na pala.

Sikat ng araw sa umaga. Minsan magigising ka nalang, nagmamahal ka na.

Ulan sa gabi. Napapayakap ka sa unan.

Farmville. Pag may tinanim, may aanihin.

Halaman. Kapag hindi inalagaan, namamatay.

Coconut. Bigla nalang mahuhulog XD

Basketball. May shoot, may rebound, may foul.

Basketball ulet. Dapat give and take.

Chess. Touchmove. Wala ng balikan.

Yoyo. Madaming ups and downs

Stuff toy. Kapag bago parating kasama, pero pag luma na, echapwera na.

Paborito mong laruan. Kahit sira na, ayaw mo pa din bitiwan.

Antique. habang tumatagal, nagmamahal.

Greeting. Better late than never.

Boxing. Hindi maiiwasan na may masasaktan.

Unli.Nag-eexpire.

Telepono. Long-distance.

Teleserye. Abangan ang susunod na kabanata.

Teleserye Ulet. Walang Hanggan.

Love song. Makakarelate ka.

Injection. Minsan masakit talaga, pero minsan parang kagat lang ng langgam.

Pag-iigib. Nakakapagod.

Antok. Hirap labanan.

Sakit. Kumakalat, nakakahawa, lumalala. Gamot lang dito ay paglimot.

Sipon. Makapigil-hininga.

Bulutong. Nag-iiwan ng marka.

Mata ko. Malabo.

Bangs. One-sided.

Kulot. Mahirap ituwid.

Ngongo. Di maintindihan.

Crayon. Makulay.

Ampalaya. Bitter.

Leche-Flan. Minsan Sweet, minsan LECHE.

Greenwich. Cheesy.

Minatamis. Pag tumagal pwedeng mapanis. 

Traffic. Nakakainip na, nakakabadtrip pa.

Trahedya. Nakakapagbago ng pananaw sa buhay.

Password ko. Secret!

Ikaw, ano ang pag-ibig mo? :)
Katabi nga kita pero parang ang layo mo pa rin sa’kin.
Ngiti mo pa lang, kinikilig na ko =))))))))))))) BWAHAHAHAHHAHAHAHHA.

Ayyyyy :”» HAHAHAHAHAHHAA. Wala siyang alam na prinitscreen ko ‘to. Matagal na rin ‘to e. Hahaha. Sorry :DD

Wala namang nagbago.

Gustong gusto pa rin kita. Hindi nawala or nabawasan yung nararamdaman ko para sa’yo. Kung akala mo hindi, AKALA mo lang talaga ‘yon. Maging timid man ako. Hindi man kita pansinin buong araw. Hindi man tayo mag-usap. Magkacrush ka pa ng marami. 

Alam ko namang maraming nagkakagusto sa’yo, ayos lang. Natural, ang gwapo gwapo mo kaya. Ang bait bait mo pa. Gentleman pa, masayahin, rumerespeto, di mapride, sweet, matalino at kung ano-ano pa.

May mga bad attidues ka man, mababago mo yan. 

Ang dami kasing bagay na gusto kaso hindi pwede. Kailangan lang talaga ng tamang timing para walang pagsisihan sa bandang huli.

Marami akong crush pero ikaw lang talaga at wala ng iba. (Kung hindi ko pagsisigawan tila di mo malalaman. Di mo ba alam o sadyang manhid ka lang kaya hindi mo maintindihan… ikaw lang talaga) HAHAHAHAHHAHAHAHA. 

Kaya kung tatanungin man ako ng paulit ulit kung gusto/mahal kita. OO at isang malaking OO. Walang nagbago.

Katabi nga kita pero parang ang layo mo pa rin sa’kin.
Hindi ko maintindihan sarili ko.

Gusto kitang kausap kaso wala naman akong sasabihin kaya h’wag na lang. Gusto kong maging okay kaso umiiwas naman ako. Wala akong ginagawa. Pinababayaan lang kita. Hindi kita pinapansin. Kapag nagmemessage ka, ayoko munang replyan. Nasasanay na ko sa ganito. Natututo na kong tiisin ka.

Mayroon kasi sa loob ko na hindi ko maintindihan. Hayy.

HAHAHAHAHAHAHAH, yung taong sobrang kulit kiligin!
Sabi nila masarap daw pakiramdam pag INLOVE ka.. Kaya pala masama pakiramdam ko “SINGLE KASE AKO”