Antok na antok ako tapos yung mata ko medyo maga pa dahil sa kakaiyak ko kagabi. Hindi dahil broken kasi naman kasi. Hahahaha! Halos di na ko makagalaw ng maayos. Ang sakit sakit kasi ng katawan ko. Yung mga buto nagkikirutan na sila isa-isa lalo na tlaga yung bandang leeg. Natatakot. Yung sugat pa ang hapdi. Hindi na ko makahinga hahaha. At dhil nga yon sa nangyari kahapon, lumipad ako eh. HAHAHAHA. Daig ko pa nabugbog eh!

Gusto ko na gumaling. Hindi tuloy ako makapagligalig. Haha!

How’s life? Hahahaha sayaa.

Nagising ako bigla ng sinagawan ako ni lola. “Gumising ka na, kanina pa may nag-aantay sayo.” Bangon ako bigla tapos tinignan ko kung sino. Sila Gifford at Layogue pala. Magjajogging nga pala kami. Late na ko nagising. Past 6am na non na dapat nagjajogging na kami. Edi nagmadali akong kumilos kasi inaantay nila. Hindi na dapat ako sasama eh kaso wala eh, nakakahiya, ang tagal nilang nag-antay tapos matutulog lang ako ulit? 

Binilisan ko kilos. Nung nakabihis na ko tsaka lang rin ako nagpaalam kay papa na aalis ako. Umuoo na lang siya. HAHAHA. Hindi ko na naligpit higaan ko. Hindi na ko kumain at hindi na rin nakapagsuklay. Ayos naman raw sabi nila. Di na raw kailangan suklayin. Hahahaha, so ayun pumunta na kami sa pagjajoggingan namin. Pagdating namin, kanya-kanyang trip na. Nagjajogging, nagskeskate board, waveboard at bike. Nagsama kami ni Maui. Dyan na nagsimula ang trahedya ng buhay ko (charaught, hahahaha) sa illustration sa itaas.

Si Maui hawak yung braso ko habang nagbabike siya tapos ako nakakapit ako sa kanya habang nagwewaveboard ako. Hinihila niya ako. Pabilis ng pabilis yung takbo namin. Malapit na kami sa dulo tapos sabi ko sa kanya bitiwan niya ko kasi natatakot ako. Ayun, binitawan niya ko. Lumipad yung katawan ko. Ang layo ng pinagbagsakan ko. Hindi sa nag-eexagerate ako pero totoo talaga eh. Bagok yung ulo ko sapul talaga sa semento, nagkaroon ng ako ng dalawang malaking sugat sa may siko, isa sa tuhod, napunit yung gilid ng short ko tapos nasira rin yung relo na binigay sakin ni mama. Ang lakas ng impact. Nadama ko yung friction mula sa katawan ko at semento. HAHAHA! Gusto ko pa sanang damahin yung pagkakahiga ko sa semento kaso ang daming tao kaya tumayo kaagad ako. Pagkatayo ko, nahihilo na ko. May babae tumulong sakin doon, hinila niya yung braso ko ewan ko kung bakit. Pagkahila niya, medyo nawala sakit ng ulo ko. Tapos kami ni Maui, naghanap kami ng CR na mapaghuhugasan ng sugat ko. Nakita na rin kami ng ibang mga classmates namin.

Tapos ako parang walang nangyari, nagbike pa rin ako hanggang sa mapagod. Pagkatapos nun napag-isipan naming gamutin yung sugat ko sa bahay nila Maui. Malapit lang naman. Yung dalawa naming kasama iniwan muna namin. Apat lang kaming nagpunta sa bahay. Habang ginagamot yung sugat ko, gusto sanang sumigaw sa sakit kaso wala eh, nakakahiya, tiniis ko na lang. Matapos magpahinga balik kami ulit sa pinagjoggingan namin. Naglakad-lakad, kwentuhan, kanta, sayaw, etc. HAHAHAHA. 

Pauwi, nagkahiwahiwalay na kami. Kami ni Layogue di pa kami kaagad umuwi. Tumambay muna kami saglit sa tindahan ni Cristina, na crush ni Gifford. Natripan lang namin bigyan ng pagkain. Sinabi naming galing yon kay Gifford kahit hindi pero galing talaga samin yon. Ayaw pa tanggapin, choosy. HAHAHA tapos kwentuhan na rin. Pauwi na kami, iniwan namin yung pagkain. Biglang yung kapatid niya hinabol kami para ibalik yung pagkain, tinakbuhan namin eh. Hahahaha. Ang bilis rin pala tumakbo ng kapatid non. 

Pagkauwi, natatawa na lang ako sa nangyari sakin. Bow =))))))

Puro kwento na lang.

Paggaling ko ng RTU higa kaagad ako sa sofa tapos natulog. Hindi na ko nagpalit ng damit at di na rin kumain. Yakap yakap ko lng yung bag ko. Pakiramdam ko ang ganda ng panaginip ko eh. Hahaha. Kaso bigla akong nagising. Binuksan ni tito yung TV tapos sobrang lakas. Bangon ako kaagad. Naultrashock tuloy ako. Kinabahan tapos sumakit ulo ko. BV ganun talaga pag nabibiglang gising ako.

Kaya naman pala ang lakas lakas ng volume ng TV, ndi marunong si lola na hinaan. Kaya pagbukas tuloy, ang lakas.

So, ayon. Babalik pa ko ng RTU bukas para sa interview. Di ko kasi dala card ko, edi sana ok na. Pfft. Natanga sa sobrang init eh.

Tawang-tawa ko sa kapatid ko eh. Jette yung pangalan, babae toh XD Parang tropa na rin kasi kami nun. Isang taon lang agwat namin. Mas matanda ako sa kanya.

Pagkauwi ko galing Market, hinawakan ko agad yung phone na iniwan ni mama tapos naglaro ako ng Subway Surf. Eh si Jette, kinalikot yung phone ko tapos nakita yung picture ni Sasuke. Ang cute daw.

“Crush mo rin?“
“Hindi ah. Ang hina nga nyan eh. Nakakainis kaya yan pag nanonood ako ng Naruto.“

Actually, favorite naming magkakapatid yung Naruto. Natigil lang akong panoorin nung Grade 5 ako. Hindi na ko nanonood. Halos nakalimutan ko na yung kwento XD

Then tinanong ko kung bakit ba kinuha si Sasuke. Yan lang tanong ko. Ang daming sinabi sakin. Hahahaha. Lahat ikinwento. Tapos nagkwento rin siya about sa ibang episode. Isang oras siyang nagkkwento. Tapos ako nagsasubway pa rin habang nakikinig.

Bat ba ko natatawa? HAHAHAHA E expression pa lang ng mukha panalo na eh! Intense na intense yung pagkikwento niya. Ang lakas lakas pa ng boses. Mas malakas pa sa TV kaya nagagalit yung bunso naming kapatid samin. Hndi na maintindihan yung Juan Dela Cruz. Tapos sinasapak ako pag nanggigil sa kinikwento niya. HAHAHA! Di niya ko pinapaalis. Ayaw pa ko pakainin. Gusto niya lang makinig ako sa walang katapusang kwento niya. Nakakatawa lang talaga XD

Ngayon, lumayo na ko sa kanya. Hahaha! Nandito na naman. Nagkikwento na naman. Wala talagang balak akong pakainin. HAHAHAHAA. Kyot lang XD

May gising pa ba?

Okay, I’m so inactive na talaga, psh. Active na kasi ako masyado sa real life ko e. HAHAHAHA. Buong linggo akong umaalis ng bahay, gabi pa umuuwi. Ang daming ginagawa sa school. Masipag na rin ako sa gawaing bahay, oha oha! =)))

Gising pa ko ngayon kasi pinoproblema ko yung article ko. Ang tagal tagal ng pinapaayos ni Ma’am Marife ‘yon, hanggang ngayon, wala pa rin akong ginawa. Kainis, nag-iisa nga lang yung article na pinasa ko e, wala pang kwenta. Sa totoo lang, wala na kong interes magsulat, wala na kong interes sa pagiging journalist ko. Gusto ko ng magquit kaso itatapon ko lang ba lahat? Ayyy. Tsaka nakaka-OP kasi do’n e. 

Nakakatuwa si Ma’am Marife, alam niyo kung bakit? Kasi hindi niya pinaparamdam na wala kong kwenta, na mababa lang ako, na hindi ako magaling. Di ba isang article lang yung gawa ko. Nabibigyan pansin niya pa rin ‘yon. Pinupush niya talaga na magpursigi kami. E ako, TINATAKE KO LANG FOR GRANTED. Nakakainis di ba?

Bukas na pasahan. Wala talaga akong gawa. Wala na kong pag-asa. Baka tanggalin na ko. HAHAHAHAHAHAHAHHAHA. Bahala na. Sorrry.

  • Kapatid1: Ate, picture picture tayo.
  • Ako: Ayoko, ang panget panget ko eh.
  • Kapatid2: Ay, inamin.
  • Kami: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
  • Tanggap at alam ko na 'yon : )

“PAPATAYIN KITA” - di mabura sa isipan ko yung sinabi sa’kin ng holdaper.


Grbe, hindi ko akailain na mangyayari to ngayon. Ang saya saya lang namin kanina galing simbahan at pagbili ng libro. Unexpected.

Naglalakad ksi kami, apat kami. Walang ibang tao, kami lang. Nauna yung dalawa naming kasama, edi dalawa na lang kme. Tapos nauna na rin yung kasama ko. T.T Habang naglalakad ako, may humila sa kamay ko. Tapos lumingon ako. Sbe niya akin na CP mo. Inaagaw ko pa. Nag-aagawan kami. Tapos sbe, “PAPATAYIN KITA.” SUMIGAW NA KO. NATAKOT AKO. :((( UNG MGA KASAMA KO, TUMAKBO PA LALO. XD HAHAHHAHA. MAY MGA PANGHAMPAS PA NAMAN SILA TAS SILA PA NATAKOT. HINYAAN KO NA LANG.

Mangiyak-ngiyak na ko habang pauwi kami. Pagkadating sa bahay, sinabi ko na kaagad sa kanila. Mga reactions e, hahahaha. Di sila nagalit.

Pero ngayon, OK na ko. Masaya pa rin ako e. Cellphone lang yun, ang importante, buhay pa ko =)) Thank you Lord :D May purpose kung bakit nangyari toh at nagsilbing aral na rin sa’kin. Sa inyo rin =))))

THE END :D

“PAPATAYIN KITA” - di mabura sa isipan ko yung sinabi sa’kin ng holdaper.


Grbe, hindi ko akailain na mangyayari to ngayon. Ang saya saya lang namin kanina galing simbahan at pagbili ng libro. Unexpected.

Naglalakad ksi kami, apat kami. Walang ibang tao, kami lang. Nauna yung dalawa naming kasama, edi dalawa na lang kme. Tapos nauna na rin yung kasama ko. T.T Habang naglalakad ako, may humila sa kamay ko. Tapos lumingon ako. Sbe niya akin na CP mo. Inaagaw ko pa. Nag-aagawan kami. Tapos sbe, “PAPATAYIN KITA.” SUMIGAW NA KO. NATAKOT AKO. :((( UNG MGA KASAMA KO, TUMAKBO PA LALO. XD HAHAHHAHA. MAY MGA PANGHAMPAS PA NAMAN SILA TAS SILA PA NATAKOT. HINYAAN KO NA LANG.

Mangiyak-ngiyak na ko habang pauwi kami. Pagkadating sa bahay, sinabi ko na kaagad sa kanila. Mga reactions e, hahahaha. Di sila nagalit.

Pero ngayon, OK na ko. Masaya pa rin ako e. Cellphone lang yun, ang importante, buhay pa ko =)) Thank you Lord :D May purpose kung bakit nangyari toh at nagsilbing aral na rin sa’kin. Sa inyo rin =))))

THE END :D

Happiness from within =)))

Grbe, ang dami tlagang nangyari ng ngayon. Nakakapagod, masaya, malungkot, irita, inis tapos sa huli, naging masaya na naman. Maraming salamat dahil may mga pinsan at kaibigan akong tulad nila. Grbe, ang saya saya ko na tlaga! Hahahaha =))

Good Evening! =)

May CAT Class kami kanina. Hindi na kami nakauwi ng bahay kaya naghanap na lang kami ng pwedeng kainina. Plinagpanuhan namin sa Chowking sa huli, napunta kami sa tapsilogan. HAHHAHAHA. 

(COOP CANTEEN - CHOWKING - ANDOKS - TAPSILOGAN at LUGAWAN)

Edi yown nga, kumain kami. Maya-maya may dumating na lalaki. Baliw ata or may sira sa ulo. Basta ganun. Kilala namin siya since 2nd year HS kami, kapag kasi nasa 7/11 kami, nandun rin siya lagi tapos kinakausap namin. Tapos sabi niya “Pabili po ng lugaw plain may laman”. Natawa ko kasi plain tapos may lamanXD Yung binayad niya pa P5.00 lang. Tinanggap naman nung nagtitinda alam rin kasi nila yung kalagayan ng lalaki. Meron pang ganito:

Tindero: Ano english ng aso?

Baliw: arf arf.

T: Ano english ng pusa?

B: meow

T: Ano english ng pato?

B: quack quaaack.

T: Ano english ng monkey?

B: monkey

Tapos kami, tawa lang nga tawa. Ang kulit lang kasi. Pinapasayaw pa siya, sumasayaw naman. Edi kumain na siya, tapos na kami. Eto ikinagulat ko. May natira kasi sa pagkain ko. Sabi nung baliw “Penge ako, ang bango” tapos kinain niya yung tira ko. Gamit pa yung kutsara tska tinidor na ginamit ko. Then I was like -> O_O


Grbe lang. Sbi nung nagtitinda, ganun daw talaga yun. Ang mahirap raw, kapag may lason tapos hindi niya alam, yari na. Kinakain din daw yung mga tirang pagkain doon sa kabilang lugawan. Alam namin kasi may nag-aalaga doon e, sana naman hindi hinahayaan na ganun. Mahirap na.

WLANGKWENTA.

napakasabaw ko ngayong araw na toh. dalawa or tatlo lang pinost ko. kanina pa ko online kaso ayokong magpost. kapag pinilit ko sarili ko, mas lalo akong masasabaw. nagbabasa, naglalike at scroll lang ginawa ko sa tumblr pero sa twitter ang active ko. LOL. nagbasa sa wattpad. ginanahan na naman akong magbasa ng story ni PrincessTwinkle. haha :)

umalis yung tatay ko, nakaharap pa rin ako sa laptop at ngayon dumating na siya, nandito pa rin ako. hahahaha. >:)) 

okey. ang daldal ko pero walang sense yung sinasabi ko. LALALALA. pasensya. kung pinagtiyagaan mong basahin toh, yee :D hahaha. nagiging corny na ko. lanjo. osge, bye na. bawi ako bukas. 

pakiramdam ko ang kuba ko na. HAHAHHA :)) o kaya naman may scoliosis. simula Grade6 ako nararamdaman ko na toh e. ndi ko lang pinapansin. ganito ung itsura ng likod ko kapag naupo ako. 

 

ganito naman yung itsura kapag nakatayo ako. para raw akong kuba. HAHHA. nakakairita.

hindi kse ako marunong umupo at tumayo ng maayos e. hindi pa ko umaiinom ng gatas. lalala. kaya ko naman magstraight body e. tamad lang tlaga ako tska nakakangalay kse tapos kapag nagstraight body ako nakaangat naman msyado ung dibdib ko. AHHAHAAHAHA. yoko ng ganun. walanjo naman oh.

hindi ako makpagtumblr ng maayos.

hahahahh! sumingit lang kse ko sa kapatid ko eh. maya na lang ule :)) april na pla o.o ambilis. HAPPY APRIL FOOLS DAY :))

boy you got my heartbeat running away :”))

HAHAHAH. JGH galing kung saan-saan. ang saya-saya lang. hahah. di ko mkklimutan nung sumayaw kme ng superbass, wahahaha. naging bati dn kme ule, naglaro ng patintero :DD hahaha. ang dme pang nakain x))

yun lang. BOW. hahaha.