Kasama ko siyang magsimba kanina, dalawa lang kami. Uwian, nakita ko yung kapatid ko at kaibigan ko, lumapit ako sa kanila. Tapos siya, biglang nawala. Masyadong mahiyain or takot lang? HAHAHAHA. Para namang lalapain siya di ba?
So yun, hinanap ko siya. Pumunta pa ko ng mall, kasi medyo magkalapit lang yung mall doon sa simbahan. Di ko siya nakita tapos bumalik na naman ako ng simbahan. Wala rin siya, wala na rin yung kapatid at kaibigan ko. Napagod lang ako. Naglakad na lang ako pauwi.
Ang winoworry ko, naiwan ko sa kanya yung bag ko. Nandun pa naman yung cellphone ko. Baka kinakalikot niya na ‘yon. HAHAHAHAHA. Tae talaga, nakakahiya ‘yon. Nagtext siya sa kapatid ko, bukas niya na lang raw isosoli. Wala akong pang-alarm. Hala. HAHAHAHAHA. Bahala na nga siya. May tiwala naman ako dun eh.
*Wag mong kalikutin yung phone ko*
- Ako: Kawawa naman si Aphrille.
- Angel: Sayang effort, paiyak na siya kanina.
- Ako: Oo nga e. Kawawa naman.
- Arrianne: E anong magagawa niya e hindi kasi siya gusto ni Micah.
- Angel: E kasi nga mahal niya.
- Arrianne: Kahit anong effort pa yan, wala rin. Pipilitin mo yung tao kahit hindi ka naman mahal?
- Angel: Hindi.
- AKO: (Nanahimik)
- Grbe lang kasi yung nangyari kanina sa school. Magkekwento ako later. : ))))))
Alam mo yung nakakainis. Ang daldal ko sa ibang tao pero pagdating sa’yo speechless ko NA. Parang naputulan ako ng dila e. HAHAHAHA. Nakakahiya pang sumagot. Nakakahiyang magdaldal. Tapos parang lutang lang yung utak ko. HAHA. Pakiramdam ko rin, naboboringan kang kausapin ako. :(( =)))))
Kapag confident na ko, magsawa kang kausapin ako. HAHAHAHA.
Yeeeee =))) Hahahahaha. Thankyou be :DDD
Yan lagi reaksyon ko kapag nakakakita ako sa news feed ng mga pictures ng mga magaganda/gwapo tapos ang daming likes. Yan kagad pumapasok sa isip ko ey. Sayang naman kasi kung walang talent o kaya walang utak. Nakakaasar lang. Wala naman kasing ibubuga. Parang ang hangin hangin ng dating. Karamihan sumisikat kasi may itsura, wala namang talent. Ayyyy.
Hindi naman ako mayabang e. Wala lang. Gusto ko lang. HAHAHAHAHA. Hindi ko rin naman sinasabi na maganda ko. Hindi rin ako inggitera or insecure. Hindi rin ako bitter. Feel ko lang talaga. HAHAHAHA >:DD
Kung magagalit ka man sa’kin, ays lang. Ikaw yan e. Lait laitan mo man ako, ays lang. Keri lang yan.
umayos ka nga. wag kang magpapadala sa galit. sinisira ka lang nyan. ginugulo isipan mo. kinaiisan ang sarili at lahat ng tao. nako. magpigil ka, maging matatag ka. kahit nahihirapan ka na, alam kong kinakaya mo pa tsaka alam ko namang hindi ka pababayaan ng Diyos. nandyan siya lagi para sayo. hindi ka niya pababayaan. wag ka din muna mag-isip-isip ng mga bagay na nagpapalungkot sayo. iwasan mo ang pagiging malungkot. maging masaya ka lagi. isipin mo ang mga positibong bagay. bigyan mo ang Diyos, pamilya, kaibigan at ang sarili mo ng oras. mahalin mo ang sarili mo. nga pala, mag-antay ka lang. “patience is a virtue” ika nga. may mangyayaring mas maganda sa buhay mo. mag-aral ka din ng mabuti. HAHAHA.
Always smile and be happy :))
nagmamahal,
ang sarili mo.
Nagstart na nga ang pasukan kaya di na naman ako magkandaugaga kung ano ba uunahin ko. Magiging madalang na lang talaga ako sa pagbablog. Kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti. Gusto ko magstay pa rin sa mga honor students. Papataasin ko pa yung Top9, haha =)
Magkakabisado pa ko. WHA. Sabog utak. Pweh, puro kwento.
FIRST DAY OF SCHOOL. Wla. Okey lang, HAHAHAHHA. May experience kaagad. Nung nasa school na ko, bumalik pa ko sa bahay para kuhain ung form kasi nakalimutan ko -_- Hindi raw papasukin kpag wala un. nagtatakbo pa ko. Nasayang pa yung pamasahe. Pagdating ko ulit, pwede na pala kahit hindi muna dala. WHAA. Sayang effort. Hahaha.
Wla naman gaanong ginawa e, yung katabi ko, okey lang rin. HAHA. So, un lang. Walang nakakaexcite. Sawa na ko sa mga muka nila e. XD BLOCKMATES kse.
1st: Nakaheart pose.
2nd: Haggard face lang? Kakauwi ko nyan lang eXD
Lagi na nating naririnig ang “Love is Blind.” Well, sa tingin niyo, totoo yun? Siguro nga. Ang tunay na pag ibig kasi nanggagaling sa puso natin hindi sa ating mga mata. Hindi ka umiibig dahil gwapo o maganda siya. Lahat ng panget na katangian niya, nawawala kasi nga mahal mo siya. Kapag umibig ka, iayon mo sa nararamdaman hindi sa nakikita.
