Hindi talaga maiiwasan yung makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao. Hindi mo man gustong mangyari, tatanggapin na lang.
Nalulungkot pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi naman ako yung nasaktan pero ako yung nakasakit. Lalo na’t kaibigan ko yun e. Hindi ko sinasadya, sorry. Ayoko naman talagang makasakit e, anong magagawa ko? Nangyari na e.
Dama ko kung paano siya nagreact sa mga nangyari, nandoon yung pagpapanggap. Ayoko nung may nasasaktang tao tapos ako nagpapakasaya. Magiging manhid ba ko o minsan, kailangan ko ring piliin ang sarili ko kung saan magiging masaya ako? Hirap ha? HAHAHAHAHA. May tamang oras, hintay lang. Mag-aral muna :D
Okey, gusto ko lang ilabas para maging maayos yung pagtulog ko. Kasama ‘to sa paglaki kaya makakayanan ko ‘to =)) May dahilan lahat kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Nasa tao lang yan kung paano niya dadalhin at kung itetake niya ba as positive or negative thing sa buhay niya.
Lord, kayo na po ang bahala. Maraming salamat po.
Iyak na naman ako ng iyak ngayon. Grabe. Gabi gabi na lang ba kong iiyak? Hindi ko na kinakaya kasi ang hirap tapos alam ko may sakit, may kirot. Gusto ko lang iiyak ng iiyak. Hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko ngayon. Magmukha man akong tanga o OA sa ginagawa ko, ayos lang. Gusto ko lang talaga umiyak ng umiyak.
Yung hindi kayo, kilos kayo. Yung gusto niyong ibalik sa dati, kaso mahirap na. Yung hindi mo alam kung tama pa ba yung ginagawa pero sige pa rin kasi mahal mo yung tao. Yung nag-assume ka na. Mukha ka ng tanga. Nakakagago na. Nasasaktan ka na. Nagseselos ka kahit hindi dapat. Nahihirapan ka na. Yung pakiramdam mo, nilalandi ka lang. Yung parang reserba ka lang. Mahal ka ba talaga o naaawa lang sa’yo yung tao.
Lahat yan nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Sobra. Nahihirapan ako. Minsan nga naisip ko, sana hindi na lang umabot ulit sa ganito. NAKAKAGAGO SOBRA. Yung tingin ko sa sarili ko bumababa. Naapektuhan na rin yung pag-aaral ko. Para maintindihan niyo kung ano pinagsasabi ko. Eto, magkekwento ako. Buod na lang, hahahaha. Madami kasing nangyari e.
May xx ako, 5 months kami. Sobrang mahal ko talaga yun. Nagbreak kami kasi umayaw na ko, nagsawa ako. Naging cold kasi kami sa isa’t-isa. Classmate ko siya nung 2nd year hanggang ngayon, block section kasi kami. Edi ako hirap na hirap magmove on. Kaklase ba naman e tapos parehas pa kami ng circle of friends. Awkward diba. Nung 3rd year kami, halos walang pansinang naganap, 10 months yon. Naging seatmate pa kami nung 3rd grading. Ilang na ilang ako, bwisit kasi mga classmate ko e.
Tapos ngayon, narito pa rin yung feelings ko para sa kanya, siya rin. Wala naman sa isip ko yung pagbabalikan e. Mahirap na kasi talaga. Isa pa, yung kaibigan ko, may gusto sa kanya since first year. Ewan ko lang ngayon.
Si xx, nagsasama pa rin naman kami, patago nga lang. Lahat patago. Ilegal kasi yung ginagawa namin e. HAHAHAHAHAHAH. May mga kaibigan kaming alam yung sitwasyon namin.
Ngayon, parang nagbabago na yung feelings ko kasi nga sa mga nararamdaman ko tulad ng namention ko kanina. Masyado kasi kaming magulo. HINDI NGA KASI KAMI. Isa pa, hindi naman ako nililigawan. So, ano kami, LANDIAN? :(((
Kung wala namang patutunguhan toh, gusto ko ng itigil. Ngayon pa lang, nasasaktan na ko. Kahit na itigil rin naman, masasaktan pa rin ako. Bahala na. Basta ayoko ng ganitong sitwasyon. Gusto ko lang sumaya.
Sa ngayon, gusto ko na lang umiyak. Hindi ko na naman malaman kung bakit nagkakaganito ako. Masyadong magulo. Saklap ng buhay fre’.
- Lady Antebellum (NP: Just A Kiss)
Bat ang drama ko. Hahahaha. Kairita. I’m so lost again.
Nasa mood ako magkwento. Hahahaha.
Hirap na ko. Hirap sa pagsisinungaling sa nararamdaman. Hanggang kelan kaya toh? Kayanin ko pa kaya? Minsan, gusto ko na lang umiyak ng umiyak e. Naiiyak na tuloy ako. Hahahahhaha. T.T Grbe. Kung pwede lang sumigaw ang puso kong ito. Ayoko na, magdadrama na ko. WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA.
Hay. Bakit ganito na naman nararamdaman ko? Irita ako sa buhay ko. Wala akong pake sa mga taong nasa paligid ko. Wala akong maramdaman. Buhay nga ko kaso parang patay naman. Patapon na ba ko? Wala na ata akong silbi e. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan sarili ko. Sawang-sawa na ko. Sa totoo lang, nawawalan ako ng ganang mabuhay. Nakakatanga. Nakakagago. Sana kayanin ko pa.
Parang dati lang, ang sigla sigla ko pa kapag nag-oopen ang ng blog ko. Ang dami kong gustong iblog. May mga nakakausap/kakawentuhan pa ko. Tska may mga TA’s pa lagi kapag mag-oopen ako. E ngayon kasi wala ng ganyan e. Ewan ko rin ba. Naglaho na lang bigla. Nagkalimutan na ba o ako ang nakalimot. Wag naman sana T.T Nakakamiss e.
Naiirita lang ako. Nakakaasar. Ewan ko ba sa sarili ko. Sarap manapak. Langya. Iiyak na lang ako. Bakit ba ganito?! Ang hirap hirap naman kse e. T_T Nakakasawa na. LASLAS
