• Siya: Oy may ikekwento ako hahahahahaha!
  • Ako: Oh anyare?
  • Siya: Ano kasi hahahaha tapos hahahaha teka nga hahahahahaha wait hahahaha ganito kasi hahahahahahaha
  • Di na natapos yung tawa. Kaabnormal hahahaha =))))

Nagkagusto po ako sa isang lesbian.

Grade 6 ako noon tapos ka-roommate namin yung grade 4. Yung kaibigan kong maganda, may nagkakagusto sa kanya na grade 4 lesbo. E close kami nun. Nagpapalakad sa’kin si grade 4. HAHAHA. Uhm, Mellicent pala pangalan niya. Ang ganda ganda niya, sayang. 

Edi yun, sa tuwing magkikita kami ni Mellicent, nagtatanong siya about sa kaibigan ko. Lagi na kaming magkasama noon. Naging super close na kami. Kilala niya na nga pati mga kapatid ko ey tapos tawag niya pa kay mama, “tita”. Kilala rin naman ni mama yung mama niya. HAHAHA. Tapos kapag uwian, naglilibot muna kami sa school.

Noong birthday ko, niregaluhan niya ko ng 6 na toblerone tpos nakalagay sa isang pack. HOHO :”> Ilang weeks pa lang kaming close nun ah. Nakakahiya tuloy. Tpos nakaramdam na ko ng kakaibang feeling. Eto na yun e. 

Tapos malapit na graduation, nalaman ko naman na may gusto rin sa’kin. AYYYY. Lagot, patay tayo dyan. HAHAHAHAHA. Tas parang ang awkward pero hindi ko pa rin siya iniiwasan. Nagpapalakad siya sa’kin tapos nagkagustuhan kami, NAKAKALOKA. >:DD

Closing party, hindi na kami nagkita noon. Ang lungkot ko nga ey, hinahanap niya pala ko noon. May bibigay pa naman akong remembrance sa kanya. 

First year HS na ko, lagi kaming nagkikita tuwing uwian kasi sa dinadaanan namin, may bahay doon tapos lagi siyang nandoon kasama mga classmate niya, nagpapraktis sila. Lagi niya kong tinatawag tapos nagha-HI sa’kin. Kyot. :)))) 

Nung fourth year HS ako nakita ko siya sa school. Second year na siya, lesbo na talaga siya :(( Kala ko pa naman magiging babae yun. Ang ganda pa naman nun, sayang talaga. Hindi niya na ata ako kilala e. HAHAHAHA. Ays lang :))))) 

Natatawa na lang ako sa sarili ko na nagawa ko yung bagay na yun. Hindi ko naman pinagsisisihan pero alam kong mali yun e. Buhayyy.

Natatandaan ko pa rin sila.

Sila lang naman yung mga naging crush ko. Hahaha

Elementary:
Grade1 - Japhet Morales
Grade2 - Mark Rotsen Sumaylo
Grade3 - Blaize Derek Mendoza
Grade4 - Mark Rotsen Sumaylo
Grade5 - Glizer Iris Lovendino
Grade6 - Glizer Iris Lovendino

High School:
First Year - Nikolai Christian Dumasal, Aeron Kristoffer Perucho & Daniel Jericho Prochina
Second Year - Paul Kimrey Go, Daniel Jericho Prochina & Aljon Alarcon
Third Year - Aljon Alarcon, Ranz Kyle Viniel Ongsee, Christian Sy, Clarence Villafuerte, Oliver Posadas, Andrew Garfield, Gian Paolo De Guzman, Jude Sinahon, Michael Sam Oraye, Daniel John Padilla & Mario Maurer (Broken ako netong mga panahon na toh. Hahahaha!)
Fourth Year - Luis Barras, Gian Paolo De Guzman & Ranz Kyle Viniel Ongsee

Hahahahaha. Sa ngayon wala eh. Walang magustuhan.

How’s life? Hahahaha sayaa.

Nagising ako bigla ng sinagawan ako ni lola. “Gumising ka na, kanina pa may nag-aantay sayo.” Bangon ako bigla tapos tinignan ko kung sino. Sila Gifford at Layogue pala. Magjajogging nga pala kami. Late na ko nagising. Past 6am na non na dapat nagjajogging na kami. Edi nagmadali akong kumilos kasi inaantay nila. Hindi na dapat ako sasama eh kaso wala eh, nakakahiya, ang tagal nilang nag-antay tapos matutulog lang ako ulit? 

Binilisan ko kilos. Nung nakabihis na ko tsaka lang rin ako nagpaalam kay papa na aalis ako. Umuoo na lang siya. HAHAHA. Hindi ko na naligpit higaan ko. Hindi na ko kumain at hindi na rin nakapagsuklay. Ayos naman raw sabi nila. Di na raw kailangan suklayin. Hahahaha, so ayun pumunta na kami sa pagjajoggingan namin. Pagdating namin, kanya-kanyang trip na. Nagjajogging, nagskeskate board, waveboard at bike. Nagsama kami ni Maui. Dyan na nagsimula ang trahedya ng buhay ko (charaught, hahahaha) sa illustration sa itaas.

Si Maui hawak yung braso ko habang nagbabike siya tapos ako nakakapit ako sa kanya habang nagwewaveboard ako. Hinihila niya ako. Pabilis ng pabilis yung takbo namin. Malapit na kami sa dulo tapos sabi ko sa kanya bitiwan niya ko kasi natatakot ako. Ayun, binitawan niya ko. Lumipad yung katawan ko. Ang layo ng pinagbagsakan ko. Hindi sa nag-eexagerate ako pero totoo talaga eh. Bagok yung ulo ko sapul talaga sa semento, nagkaroon ng ako ng dalawang malaking sugat sa may siko, isa sa tuhod, napunit yung gilid ng short ko tapos nasira rin yung relo na binigay sakin ni mama. Ang lakas ng impact. Nadama ko yung friction mula sa katawan ko at semento. HAHAHA! Gusto ko pa sanang damahin yung pagkakahiga ko sa semento kaso ang daming tao kaya tumayo kaagad ako. Pagkatayo ko, nahihilo na ko. May babae tumulong sakin doon, hinila niya yung braso ko ewan ko kung bakit. Pagkahila niya, medyo nawala sakit ng ulo ko. Tapos kami ni Maui, naghanap kami ng CR na mapaghuhugasan ng sugat ko. Nakita na rin kami ng ibang mga classmates namin.

Tapos ako parang walang nangyari, nagbike pa rin ako hanggang sa mapagod. Pagkatapos nun napag-isipan naming gamutin yung sugat ko sa bahay nila Maui. Malapit lang naman. Yung dalawa naming kasama iniwan muna namin. Apat lang kaming nagpunta sa bahay. Habang ginagamot yung sugat ko, gusto sanang sumigaw sa sakit kaso wala eh, nakakahiya, tiniis ko na lang. Matapos magpahinga balik kami ulit sa pinagjoggingan namin. Naglakad-lakad, kwentuhan, kanta, sayaw, etc. HAHAHAHA. 

Pauwi, nagkahiwahiwalay na kami. Kami ni Layogue di pa kami kaagad umuwi. Tumambay muna kami saglit sa tindahan ni Cristina, na crush ni Gifford. Natripan lang namin bigyan ng pagkain. Sinabi naming galing yon kay Gifford kahit hindi pero galing talaga samin yon. Ayaw pa tanggapin, choosy. HAHAHA tapos kwentuhan na rin. Pauwi na kami, iniwan namin yung pagkain. Biglang yung kapatid niya hinabol kami para ibalik yung pagkain, tinakbuhan namin eh. Hahahaha. Ang bilis rin pala tumakbo ng kapatid non. 

Pagkauwi, natatawa na lang ako sa nangyari sakin. Bow =))))))

Naalala ko lang nung first year HS kami. Si Mikaela Espejo, bespren ko taska ako, may diary. Isang notebook lang yon. Yun na mismo yung diary namin. Kaming dalawa lang yung nagsusulat at nakakabasa ng mga pinaglalagay namin don. Last na pag-uusap namin nung NAT, fourth year na kami. E katabi ko siya sa pila non. Napag-usapan namin yung diary namin. Ayon, tawa lang kami ng tawa. Yung mga dating kadramahan namin noon, tinatawanan na lang namin. Hanggang ngyon nakatago pa rin yung diary na yon =))))

Saya saya lang. I miss you Mika!

Nung nag-eenroll ako kanina, halos lahat ng mga kasabay ko may kasamang magulang, ako lang wala. Ang saya diba? Hahahaha. Independent type lang. Okay lang naman, sanay na =)))

Nakakainis lng. Ang panget ng sched ko. Pffft. Pinapili kami ng sched at section. Pinili ko yung unang section tapos pangAM. Then, kinuha ng prof yung papel namin. After an hour, bnalik. Naiba sched at section. Waht. Ang tagal kong tinitigan yung sched ko. Tagal kong nakatayo sa tapat ng hagdan. Nakakaano lang. Tpos merong lalaking lumapit sakin, same kami ng sched. Atleast may kasama na ko.

Bat kasi ang tagal kong nag-enroll? Naubusan tuloy ako ng sched para sa AM. Aish. Sayang lang. Dpat friday pa lang nakapag-enroll na ko kng d ko lang naiwan good moral ko sa nag-interview. Nandyan na eh, deal with it. Hanggang 9pm klase ko, economics pa yun. Pfffft. Parusa? HAHAHAHAHAHAH

Ge enjoy ka lang Steph. Masaya yan. Mastress ka na! Mwahahahaha :D BS Accountancy, I‘m reaaady! =))))

  • Boy: Mahal kita.
  • Girl: Ayos lang.
  • Siya: Miss na miss na kita XD Wahaha chos gege XD
  • Ako: Ano naman nakakamiss sken LOL
  • S: Walang nakakamiss sayo, IKAW ang nakakamiss XD Charaught XD
  • A: Hahaha sana nakakabusog yung pagkamiss mo sken e noh XD
  • S: Appetizer pa lang yan XD Pagmamahal ko yung bubusog sayo XD LOL
  • A: Wushuu ang drama mo forever

Siguro, talent ko na rin yung pagsayaw. Siguro lang naman. Hahaha. Bata pa lang ako, mahilig na kong magsasasayaw. Hindi naman kagalingan, nagfifeeling lang. Sayang, di ko naenhance masyado =)))

Kanina nagpractice kami ng mga pinsan ko ng sayaw. Change steps na rin. Saya nga eh. Lalong gumanda yung kinalabasan. Para saan ba yon? Wala lang naman, trip lang namin. Bata pa lang kami, ganun na talaga. Ang dami naming videos na ngyon, nakatago pa rin. Isa n rin yon para magkabonding kami. Nagkakaisa, nagtutulungan, biruan, kulitan, tawanan at mas tumatatag na samahan. Alam mo yung feeling na ganon? Ang saya diba. Tapos bukas baka linis linis na lang ng steps.

Okey. Pangarap ko ring gumaling sumayaw. Yung tipong pinapalakpakan. Hahahaha. Pagbigyan =)))

Kahit di mo na basahin. HAHA.

Hindi ako nakapag-enroll at nakapagpax-ray ngayon dahil kinuha ko yung birth certificate ko sa city hall. Torture teh. Hahahahaha. Biglaan kasi eh.

Di ko pa alam pumunta doon kaya nagtanong ako. Solve nman kagad. Explore explore lang. Kala ko kasi magiging forever alone ako, buti na lang yung kaibigan kong si Yell eh may bahay at carinderia malapit don, may kasama na ko!

To make the story short. Halos 6hours akong nandon. Halos 5 hours akong nakapila. Si Yell pinauwi ko muna sa kanila kasi baka mabagot yun. Feeling ko nga tumangkad ako sa sobrang tagal kong nakatayo. Hahaha. Nakakatuwa lang kasi habang nasa pila ako kanina, past 12 na, d pa ko kmakain, may humawak sa likod ko, si Yell pala! May dalang pagkain, chicken curry pa yung ulam. Haaay. Natuwa ako ng sobra XD Pagkain yun eh! :“)) Di ko naman kinain kaagad kasi nga nasa pila ko. Nkkya nmang kmain sa hrap ng maraming tao. Nilagay ko na lang sa bag ko.

Bago magreleasing, kumain muna ko doon sa knla. Ambabait ng tao don, lalo na yung tita niya! May bata p nga don kala ko lalaki kasi kmka yng bata sa Little Champ, babae pala XD Bglang nagheadband eh. Tas ang kukulit lang nila. Ang dami-daming pagkain doon, pinapakain pa nla ko, sympre kahit libre yon, ndi ko aabusuhin XD Tapos kwentuhan.

Balik ng City Hall then nakuha ko na yung birth certificate ko. Phew! Finally. Hahahahaha. May nadiscover pa ko, si crush ko dati, malapit lang doon nakatira. Lgi ksng nkkta ni Yell na nagbbike yun sa street nila. Mahunting nga ang bahay! Mwahahahaha.

Pagsakay ko ng jeep, may sumakay na lalaki don, kmukang-kamuka ng crush ko dati, matanda nga lang. Baka kuya niya. Lol.

Saya mag-independent type kung minsan. Hahaha. Natest pa yung patience ko. Pramis. Bat gnon, wala kong nrmdaman na inis hbng nkpila ako ng ganun katagal. Hahahahaha.

Bow.

Puro kwento na lang.

Paggaling ko ng RTU higa kaagad ako sa sofa tapos natulog. Hindi na ko nagpalit ng damit at di na rin kumain. Yakap yakap ko lng yung bag ko. Pakiramdam ko ang ganda ng panaginip ko eh. Hahaha. Kaso bigla akong nagising. Binuksan ni tito yung TV tapos sobrang lakas. Bangon ako kaagad. Naultrashock tuloy ako. Kinabahan tapos sumakit ulo ko. BV ganun talaga pag nabibiglang gising ako.

Kaya naman pala ang lakas lakas ng volume ng TV, ndi marunong si lola na hinaan. Kaya pagbukas tuloy, ang lakas.

So, ayon. Babalik pa ko ng RTU bukas para sa interview. Di ko kasi dala card ko, edi sana ok na. Pfft. Natanga sa sobrang init eh.

Kaya ayaw kitang iblog kasi nagiging emosyonal ako lagi eh. Yung mga gustong-gusto kong sabihin sayo hanggang isip na lang lagi. Mas maganda na yung sa sarili ko na lang. Okay na rin siguro yon. Nagtatype pa lang ako, umiiyak na ko. Ang babaw ng luha ko noh? HAHAHA. Basta salamat. Salamaaaat! Hindi talaga kita makakimutan. =)))))

Nanood kami kahapon ng finale ng Kahit Konting Pagtingin. First time ko ngang panoorin eh. Tapos sila talagang nakasubaybay ^.^

Mahal ni Aurora si Adam. Si Adam, mahal si Aurora. Si Lance mahal niya si Aurora, kahit masakit para sa kanya, naglet-go siya para kaligayahan nung dalawa. Mahal naman ni Aurora si Lance eh kaso mas at totoo yung kay Adam. Hindi natuloy yung kasal.

Parang ang awkward pag ganon. Magkapatid pa naman sila. Tapos iisang babae lang yung gusto nila. Nangyayari pala sa totoong buhay yon. Tawa nga lang ako ng tawa nung nalaman ko eh XD

Papa: “Parang may alam akong ganyang storya.“
*Nagtanong kami kung kaninong storya*
Papa: Si Tito Rod at Tito Ruben niyo. Kasi dati, gusto ni Ruben si Cielo. Nagpapaimpress yan. Eh biglang sumingit si Rod. Ayun. Tapos si Tito Ruben niyo, naggive-way na lang. Syempre nkahanap siya ng iba at si Tita Fe niyo yon.

Summarize lang yung sinabi ko dyan sa dialogue ni papa. Hahaha. Hindi yan yung exact na sinabi ni papa XD Natawa lang ako. As in. Hindi nga ko makapaniwala eh.

Tapos naisip ko kung kunwari hindi naggiveway si Tito Ruben, edi sana wala sila John at Yna ngayon (pinsan ko na anak ni Tito Rod at Tita Cielo). Kung nagkatuluyan si Tita Cielo at Tito Ruben, edi sana wala sila Joy Michelle at Queenie ngayon (pinsan ko na anak ni Tito Ruben at Tita Fe). Hahahahaha. XDD

Ang astig lang. Talagang naka-put into place. Meant to happen. Destiny. XD =)))

Ano natutunan ko? Yung art of letting go. Hindi porket naglet go ka, nawalan ka na. Hindi. Kaya tinatanggal ni God kasi hindi ka meant para doon. May ibang nakalaan sayo at sa taong nilet-go mo. Mas better, (mas na, better pa? XD) mas masaya, mas maganda. Yung tamang tao. Yung makakasama mo habang buhay. Kung hindi kayo para sa isa‘t-isa, paghihiwalayin at hihiwalayin kayo.

Let go? Oo, masakit. Oo, mahirap. Hwag sasama ang loob mo. Hindi mo alam, may magandang mangyayari na nag-aantay sa‘yo. Yung talagang ikakasaya mo. Yung talagang meant para sa‘yo. Yung inilaan ni God para sa‘yo ^.^

I‘m heaven blessed ^.^

Lagi na lang ba akong malulungkot? Lagi na lang ba kong mag-iisip ng negative. Lagi na lang ba kong magkocompromise? SYEMPRE HINDI NA.

Realization. Ang saya-saya mabuhay. Ang daming bagay na hindi ko napapansin at naaappreciate kasi nakafocus lang ako lagi sa pagiging negative. Yung mga bagay na akala mo eh wala lang, isa pa yun sa magpapasaya sa‘yo. Hindi mo nakikita kasi may malaking harang na nakabalandra sa mga magagandang bagay na nakapalibot sa‘yo.

Ang tagal ko pala naging bulag at tanga. Nabatukan na ba ko at nagising ako sa katotohanan? HAHAHAHAHA. Hay nako Steeeph :)))) Ang daming nasayang na oras sa pagiging malungkot. Ngayon lang ako nanghinayang. Jirits noh? HAHAHAHAHAHA.

Ang saya kasi may magulang ako na sobrang protective at mapagmahal. May mga kapatid at pinsan na karamay ko sa kabadtripan, kalokohan at kasiyahan. May lolo‘t lola na laging gumagabay. May tito‘t tita na sumusuporta. May mga abnormal at masayahing kaibigan. Espesyal na tao na nagmamahal, nag-aaruga, nagpapahalaga, nagpapasaya at umuunawa.

Ang saya kasi nakakapag-aral ako. Kumakain at nakakatulog ng maayos. May damit na nasusuot. May computer, laptop, cellphone. May sapatos at tsinelas. Walang kapansanan. Nakakagala. Nakakatambay. Nakakasayaw at nakakanta. Tumatawa, umiiyak, nagagalit, nagtatampo, nagseselos, naiinggit. May tinitirhang bahay. May tubig at kuryente. May libreng hangin. May napapanood sa TV. May kapitbahay. May aso‘t pusa. Nakakapaglinis ng bahay. Nakakaligo. Nagkakacrush. Nakakapagmahal. May internet.HAHAHAHAHAHA.

Ang saya kasi may namatay sa krus para pagbayaran ang mga kasalanan natin ^.^

SEE? Ang dami-daming bagay na dapat maaappreciate. Kulang pa yan kung tutuuisin. Maswerte pa rin ako.Araw-araw may pag-asa. Araw-araw may dahilan para maging masaya. Kung nalulungkot at may problema, ngitian mo muna, dasal ka muna, pag tumawa ka na, wala na :D

OKAY. ANG SAYA KO. HAHAHAHA :)))

Kapag galit na galit ako, napapaiyak ako. Kayo rin naman siguro noh? ^.^ Once na umiyak kasi ako, ang tagal tumigil. Siguro hours ang nasasayang bago ko tumigil, depende na lang kung may nagpasaya sa‘kin o tinouch na ni God yung heart ko.

Nung third year kasi ako, punong-puno ako ng hatred. Naiipon lahat. Hirap pa kong magpatawad nun. Galit sa tatay ko, away nila mama‘t papa tapos dagdag na rin yung pagiging broken ko. Kaya broke na broke talaga ko nung mga panahon na ‘yon.

God move into my life that time. Talagang di niya ko hinayaan na magkaganun. Sobrang napalapit ako kay God, intense, di tulad ng dati. Unti-unti niya kong tinuruan magpatawad. Ginamit niya ko sa ministry ng church, nagvolunteer ako. Naka-attend rin ako ng Spark tapos nakameet ng leaders na tumutulong para mas mag-grow kay God.

So, balik sa pagpapatawad. Natuto lang ako. Ngayon kasi, i-iiyak ko lang lahat. Habang umiiyak pa ko, nagdadasal rin ako. Kinakalaban ng prayers ko yung galit ko. Tapos nun, wala na. Masaya na ko. Nagpapatawad na ko kaagad. Kahit na masakit yung ginawa sakin nung tao, kahit di niya ko pinapakitaan ng magandang asal, kahit wala pang sorry. Mahirap kasi kung may kagalit ka o kung may kinagagalitan ka, lalo na kung malapit pa sayo. Ang hirap kumilos, nakakailang. Kaya bago pa lumubog ang araw, dapat napatawad mo na siya at nagkaayos na kayo. Di dapat pinapatagal.

Hindi mo magagawa ang isang bagay kung walang unang gumawa nito para sayo.

God loved us first. We received love from Him, so we can also love. We recieved forgiveness from Him, so we can also forgive.

Just love & forgive ^.^