Hindi ito tipikal na pagpapakilala sa sarili ko. Mahal ko si God. Siya ang bumubuo ng pagkatao ko. Mahirap akong maintindihan. Marami akong drama sa buhay, maarte ako, pabago-bago ang ugali ko, dighayin ako HAHAHAHAHA, matakaw ako, antukin ako at ... Marami akong gustong malaman sa mga bagay-bagay. Nag-aantay ako ng pagbabagong magaganap sa buhay ko.
Dumayas, Stephanie ang pangalan. Tawagin mo kong Jade. Labing anim na taong gulang. Nag-aaral sa Rizal Technological University. BS Accountancy ang kinuha kong kurso. Ayaw ko talaga ng Math, bat ko ba kinuha yan? HAHAHAHA. Sabi ni bespren sakin, minsan, kung ano pa yung ayaw natin doon pa tayo nag-eend up. Sana nga. Tiwala lang.
Pangarap kong gumanda ang boses ko. Sumasayaw pero di kagalingan. Gusto kong libutin ang mundo. Bigyan mo ko ng ice cream. Sabi nila mabait raw ako. Di ako nagmana sa kagandahan ng mama ko. Mata lang maganda sakin. Ayoko sa naninigarilyo, bastos at walang respeto. Hindi ako malambing. Tamad akong umeffort. Minsan, wala talaga akong pake. Ayos lang lahat sakin. Masarap matulog at kumain. HAHAHAHAHAHA. Ang dami kong sinasabi, tara lipad! :)