• Ako: Jey, dyan ka lang ha? Wag ka aalis
  • JJ: Opo
  • A: Be a good girl ha?
  • JJ: Opo
  • A: Pramis?
  • JJ: Pramis!
  • A: CR lang ako ha.
  • JJ: Magdiapers ka din kasi tulad ko
  • HAHAHAHAHAHA Natawa talaga ko dito sa pinsan kong 3 taon eh. Ang cute pa ng pagkasabi niya. Wala lang, ang qt lang.

Sa araw-araw na ginawa mo Lord, grabe lang. Lalo kong na-aappreciate kung gaano ka ka-faithful sa akin. sa bawat isa sa amin. Lord, iba ka talaga magmahal. Your love never fails, it never gives up, it never runs out on me. Kinikilig ako sa pagmamahal mo hahahahaha. I love you Jesus. Thank you!

Hi girl! *virtual hug* ngayon na lang ata kita uli nakita sa dashboard ko. Hohoho. Kamusta kaaaa? Ingat lagi. God bless! :D

Namiss kita teh! HAHAHAHA Ano oras na gising ka pa aber aber. I’m happy and pretty lol hahahahaha. Ingat ka palagi friend! *HUGS* 

Every girl has that one boy that she will never get over.
that one that makes you laugh all the time; 
that one that gives you butterflies just by hearing his name; 
that one who remembers all of the stupid things you say 
and do and reminds you of them months later; 
that one who has his name written all over your heart; 
that one who you compare everyone to; 
that one that you never get sick of talking or hearing about; 
that one that you are constantly crying over;
 that one that no one can understand why it’s him; 
that one that everyone thinks you can do better than;
 that one that makes you ask, “why her?”;
 that one that you will never be able to forget.
HALA ANO TO HAHAHAHAHA MUKHANG NAKAKAKILIG!!!!!…
HAHAHAHAHA NAKAKAKILIG YAN TEASER PA LANG EH. HI!!! :D

Ang tagal ko ng napanood tong teaser nila, ilang beses ko na rin naulit, kelan ba ipapabalas ‘to?! Sobrang naeexcite na ko “:>

  • Papa: Bat amoy daga?
  • Jette: Umutot ako

Mamamatay na ko kakatawa dito putek hahahahahahahahaha 

Kung hindi inaantok
Kung hindi nasisilaw
Pwede bang malaman ko
May pag-asa pa kayang matatanaw
Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo
Isang ngiti mo lang sakin
Ay baon ko hanggang sa pag-uwi
Oh chinito
Balang araw ay malalaman mo rin

Ang cute ni Manolo, sarap tukusin ng mata hahahahahaha hay grabe di pa ko inaantok 

Hay. Gusto ko na mag-aral ulit. Gusto ko na pumasok sa second sem. Mag-aayos na talaga ko ng sarili ko. Nakakamiss yung baon, joke. Yung araw-araw akong mag-iisip ng pwedeng kong pagkaabalahan buong araw para lang masabi na naging produktibo ako. Yung araw-araw paggising ko wala na kong kasama sa bahay. Yung walang kasabay sa pagkain. Drama. Pero joke lang talaga yon. Nabuburyo lang talaga ko sa buhay ko. Buti na lang talaga nakakaisip ako ng mga bagay na masayang gawin :”> hahahaha. Gusto ko na talaga ulit mag-aral. Gusto ko na ulit ng bagong friends. Gusto ko ng school. Gusto ko na gusto ko na gusto na hahahahhaahhaha. Nakakamiss.

Dahil ang sakit ng ngipin ko, pinanood ko na lang yung performance ni Darren ng paulit-ulit. Grabe, goosebumps! Ang galing na pogi pa. Nuhba hahahahaha. O hi! 

Mga ganitong panahon masarap kumain ng ice cream. Tas movie marathon sa loob ng malamig na kwarto. Hahahaha.

Kahit anong pilit ko matulog ng maaga, di talaga, ayaw talaga. 7pm nakahiga na ko. Inaantok na rin ako at the same time, pag pumikit na ko ng ilang minuto, gising na naman diwa ko. Nakikipaglokohan ‘tong mata ko e. Lagi-lagi na lang. Buong bakasyon hanggang ngayon, ganito pa din. Psh. Pero bat ganon, tuwing gabi ang ganda ng bagsak ng buhok ko? Ang lambot at shiny pa. Hahahaha. End of story.